
Siya'y isang batang lalaki may kaliitan,may kaitiman at may walong taong gulang.Pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali,ang ila'y nagmabagal,at ang ila'y nakintal sa gunita buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan.Ngunit ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking guro at ako ang kanyang tinuruan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase,at pinakapangit,at lubhang kapansin pansin ang bilog at pipis niyang ilong.Kahit ang paraan ng kanyang pagsasalita ay may punto na nagpapakilalang siya'y galing sa ibang pook.Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa pangit na batang ito,kahit sa simula pa lamang.Tuwing hapon ay nagpapaiwan siya upang maglinis at magbura ng sulat sa blackboard.At nahuhuli din siyang umuwi sa klase at minsan nagpapautos ako sa kanya na kunin ang aking tsinelas sa huling upuan.Kapag siya ay uuwi na titigil siya sa pinto upang sabihin sa akin ang salitang "Goodbye Teacher"Hanggang sa nakahiligan nya ng gawin ang mga bagay na iniutos ko sa kanya at hindi noon.At hanggang sa naging magkaibigan na kami at nakikita ko sa kanyang mga mata na siya ay masayang masaya.
Isang araw nangyari ang isang bagay na hindi inaasahan.Mainit ang aking ulo at hindi inaasahan naibuhos ko ang lahat ng galit sa batang lalaki.Nung hapon na iyon ay ginawa niya parin ang mga bagay na ipinapagawa ko sa kanya at paglilinis ngunit hindi siya tumitingin sa akin at nakikita ko sa kanya ang pagkalungkot.At hanggang tumagal siya din ang aking naging guro.